top of page

Ang #KapihanNgMgaMakabayan at #TambayanNgBayan

Ang #KapihanNgMgaMakabayan / #TambayanNgBayan

ay isang Kapihan at Negosyong Panlipunan (social enterprise) na naglalayong suportahan at palakasin ang mga produkto at serbisyong lokal bilang pamamaraan sa pagtulong sa ating bayan.

 

Ito ay may tatlong tampok na konsepto:

Una ay ang pagtatayo ng lokal na bersyon ng "Third Place" o ang Tambayan ng Bayan bilang pangatlong bahagi ng buhay ng sambayanan maliban sa bahay at sa trabaho o/ at negosyo o/at paaralan. Bilang isang tambayan, aming binubuhay ang diwa ng pagiging Makabayan sa iba't ibang pamamaraan na siyang pinaniniwalaang magsisiklab ng bagong henerasyon ng mga Makabayan.

 

Pangalawa,  ay ang 3rd wave concept na ang layunin ay bigyan ng pagpapahalaga ang ating lokal na mga produkto mula sa kape at iba pang kasangkapan sa mga inumin at pagkain at lalo na kung saan ito nagmumula (sa mga Magsasaka at Manggagawa).  

​

Pangatlo, aming hinahangad na maging daan sa pagpapalakas at pagpapaganda ng mga lokal na serbisyo at produkto sa pamamagitan ng pagiging isang "Social Hub" na siyang maglalayong ilapit sa masa ang mga gawang galing din sa masa (mula sa masa, para sa masa).

​

Kaya't ang simpleng pagtangkilik sa amin ay isang uri ng pagsasapraktika ng pagiging Makabayan!

Maging Makabayan! Lika na magkape at kumain tayo!

P_20190612_155656.jpg

- Mula sa mga Negosyanteng Makabayan

Follow us on Instagram @makabayancafe

Instagram

©2019MakabayanCafeBonifacio

bottom of page